
Ang real-life couple na sina Jake Vargas at Inah De Belen ay sumabak na rin sa mundo ng filmmaking.
Sina Jake at Inah ay walong taong magkarelasyon na. Ikinuwento nila ang kanilang bagong proyekto nang bumisita sa Valentine Week special ng Family Feud.
Kuwento ni Inah ay magsisimula na sila ni Jake sa kanilang proyekto.
PHOTO SOURCE: jhake
"Magsa-start pa lang kami and we already have the main cast. Hindi pa namin puwede i-reveal kasi maloloka kayo."
Inilahad din ni Inah ang kanilang plano na isali ang kanilang pelikula sa film festivals.
Ani Inah, "We're planning to distribute it first sa mga film festivals abroad before bringing it here."
Ibinahagi naman ni Jake ang kanilang plano ngayong Araw ng mga Puso. Saad ni Jake, "Balak namin lumabas ni Inah, kung saan man kami mapadpad."
Dugtong pa ni Inah, "Mag-overnight kami somewhere."
Nakatanggap naman ng suporta sina Jake at Inah mula sa Family Feud host na si Dingdong Dantes sa kanilang planong pagbuo ng pelikula.
Ani Dingdong, "Alam niyo that's good kasi siyempre, kailangan natin ng maraming storytellers."
Balikan ang pagbisita nina Jake at Inah sa Family Feud.
SAMANTALA, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA JAKE AT INAH: