Article Inside Page
Showbiz News
Tuloy-tuloy na kaya ang tambalang Jake at Rita na nagsimula sa 'Pepito Manaloto?'
By AEDRIANNE ACAR

Gumanap si Rita bilang nerdy classmate ni Chito (Jake Vargas) na si Lea.
Sa isang episode ng Pepito nagkaroon sina Lea at Chito ng misunderstanding nang akalain ni Lea na girlfriend siya ni Chito, pero hindi pala.
Maraming pumuri sa pagganap ni Rita sa naturang character dahil ramdam daw ng mga Kapuso viewers ang heartbreak ni Lea.
Ayon sa Kapuso singer, kung bibigyan daw siya ng chance na dugtungan ang storyline ng karakter niya sa Pepito, gusto niya na maging instrumental si Chito sa ganap na pagbabago ni Lea into a mature and beautiful woman.
Ani Rita, “Siguro para sa akin doon sa personality kasi ni Chito he’s very serious and ‘yung too good to be true na parang ang bait-bait niya, pero medyo loko-loko rin. Siguro para sa akin gusto ko ‘yung kind of love that he would change Lea into something better.”
Dagdag niya, “'Cause Lea is very strict eh, super serious and 'yun alam mo ‘yung parang konting kibot, galit siya. So, that kind of love na i-tu-turn niya talaga [as a] woman si Lea ['yun ang gusto ko]. Matalino [na siya], iba na siya mag-damit ‘yung ganun na. ‘Yung woman na maayos pero mahahawa din siya kung ano ‘yung vibe ni Chito.”