What's Hot

Jake Vargas, dadalo sa debut party ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Binene?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 10:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: January 19, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Pupunta naman kaya si Jake sa debut celebration ng dati niyang nobya?
By CHERRY SUN
 
Ngayong araw, November 3, gaganapin ang debut celebration ng Kapuso teen actress na si Bea Binene.
 
Hanggang sa pinakamaliit na detalye ng kanyang party ay nakatutok si Bea. Sa katunayan ay nagpatawag pa siya ng huling meeting kasama ang kanyang organizers. Ipinasilip na rin niya ang kanyang gown at after-party outfit.
 
"'Yung gown is a blush gown. Tube siya na parang low-back and then may trail. Kapag 18 roses na, iki-clip ‘yung trail," paglarawan ni Bea sa panayam ng 24 Oras.
 
Maliban sa mga showbiz friends na may roles sa kanyang ceremony, ilang Kapuso stars din ang aawit sa party ni Bea.
 
READ: Kapuso stars, kabilang sa 18 roses at 18 candles ni Bea Binene 
 
Aniya, "Derrick (Monasterio) and Kristoffer (Martin) will sing, and then si Yani po, anak ni Kuya Bitoy (Michael V). I’m not sure if Kuya Christian (Bautista) can come pero sabi niya if makakahabol siya, kakanta siya."
 
Imbitado rin ni Bea ang kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas.
 
Pahayag niya, "I think he should be there because matagal na rin naman po kami magkatrabaho and matagal din kaming love team, 'di ba. Kumbaga may pinagsamahan din naman po [kami]."

Bea Binene, umaasang pupunta sa kanyang debut ang ex-boyfriend na si Jake
 
Pupunta naman kaya si Jake sa debut celebration ng dati niyang nobya?

Maiksing sagot nito, "Depende sa trabaho, kung may work akong ginagawa. Kung wala naman, sige okay lang. Go lang."