What's Hot

Jake Vargas, mananatiling loyal na Kapuso

By Maine Aquino
Published August 24, 2017 3:40 PM PHT
Updated August 24, 2017 3:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-renew ng kontrata sa Kapuso network ang aktor.   

Ipinakita ni Jake Vargas na ang kanyang loyalty ay para lamang sa GMA Network sa kanyang muling pagpirma ng exclusive contract.

Ayon kay Jake, ang maging loyal sa GMA ay turo sa kanya ng kanyang itinuturing na ama sa industriya na si German "Kuya Germs" Moreno. Si Jake ay nagsimula ng kanyang showbiz career seven years ago sa GMA sa tulong ni Kuya Germs. 

Kuwento ni Jake sa kanyang contract signing na ginanap ngayong August 24, "Marami na ring nangyari bukod sa tulong sa akin ni Tatay (Kuya Germs). Nag-start ako sa Walang Tulugan hanggang sa dumadami na ang shows ko so ang dami na rin talagang naitulong sa akin."

Pagpapatuloy ni Jake, "Siyempre Kapuso talaga ako. Ang sabi sa akin naman ni Tatay hanggang marami kang naipapakita sa kanilang maganda, huwag kang aalis, [sa] 7 ka talaga."

 

Kapuso actor Jake Vargas with (from left) Tracy Garcia, Assigned Talent Manager, Lilybeth Rasonable, Senior Vice President of GMA Entertainment TV and Simoun Ferrer, Assistant Vice President for Talent Imaging and Marketing after the contract signing for the renewal of his contract with GMA Network.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Dahil kilala si Kuya Germs na supportive sa career ni Jake ay mas na-miss niya ngayong araw ang presence ng kanyang Tatay. Saad niya, "Everytime na may ganito, andiyan lagi si Tatay para suportahan ako. Alam kong ginagabayan niya ako lagi."

Nagpahayag naman si Jake ng kanyang pasasalamat sa GMA sa pagtitiwala at pagaalaga ng kanyang career.

"Siyempre gusto ko rin pasalamatan ang GMA Network sa pagtitiwala, sa pagmamahal."