
May hindi malilimutan na experience ang Pepito Manaloto star na si Jake Vargas sa isang mall show noon.
Binansagan ang Sparkle actor bilang "Prince of Mall Shows" ng kaniyang fans.
Sa pagsalang niya sa Your Honor, kasama ang long-time partner na si Inah de Belen, nagbalik-tanaw siya kasama sina Chariz Solomon at Buboy Villar sa pinaka-wild na na-experience niya habang nasa isang mall show.
Lahad ni Jake, “Isang beses nag-mall show hindi ko na alam kung saang lugar 'yun sa Cainta or basta parang nababasag na 'yung mga salamin. May mga ganun.”
Naranasan din daw ng Sparkle actor na biglang may humalik sa kaniya habang nasa mall event. “Siyempre sa sobrang dami ng tao, baba ako dun sa pinakamaraming tao. May parang one time, hindi ko inaasahan nahipuan ako!”
Gulat na gulat si Jake sa pangyayari. Aniya, “'Tapos hindi ko na nakita kung sino humipo sa akin, kasi sobrang daming tao, e.”
“Tapos hinanap ko sa ilalim, siyempre ang liit ko. 'Tapos 'yung mga security ang lalaki… Hinahanap ko saan siya, hindi ko na siya nakita.”
Balikan ang chikahan ni Jake Vargas kasama ang House of Honorables below!
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now