Article Inside Page
Showbiz News
One year and five months na ang relasyon ng Kapuso teen stars na sina Jake Vargas at Bea Binene nang magdesisyon silang maghiwalay noong July. Nitong November, inamin nila na nagkabalikan na sila, just in time for Bea's 16
th birthday.

One year and five months na ang relasyon ng Kapuso teen stars na sina Jake Vargas at Bea Binene nang magdesisyon silang maghiwalay noong July.
Selos at hindi pagkakaintindihan diumano ang mga dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway, na hindi nagtagal ay nauwi rin sa hiwalayan.
Ngunit nitong November lamang ay inamin nilang dalawa na nagkabalikan na sila, just in time for Bea's 16
th birthday. In fact, sinopresa ni Jake ang ka-loveteam sa taping nito for
Vampire Ang Daddy Ko, at nagkaroon na rin sila ng chance na mag-usap nang maayos.
Ano kaya ang wish niya para sa kanilang dalawa ngayong nagkabalikan sila?
"Siguro to stay strong. Sana maging matibay kami sa lahat ng bagay kahit may dumating na mga pangit na issue," saad ni Jake nang aming makausap sa set ng
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento kamakailan.
Kinumusta rin namin ang Pasko at Bagong Taon ni Jake. Ayon sa kanya, ipinagdiwang niya ang Pasko sa bahay kasama ang kanyang pamilya habang nakibahagi naman siya sa GMA Countdown noong Bagong Taon.
Napag-usapan na rin lang ang Pasko, tinanong namin sa kanya kung ano ang iniregalo niya kay Bea. Isang baby shih tzu raw ang ibinigay niya sa girlfriend.
"Siya si York, lalaki. Wala na kasi akong maisip na ibibigay sa kanya. Mas maganda na 'yung ganun kaysa damit o gamit, naaalagaan niya."
Ano
naman ang Christmas gift sa kanya ni Bea?
"Marami na siyang naibigay sa akin pero nitong Christmas wala pa," natatawa niyang sagot.
Panoorin si Jake Vargas every Sunday sa
Sunday All Stars, pagkatapos ng Kapuso Movie Festival, at sa
Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng
Kap's Amazing Stories.
-- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com