Celebrity Life

Jake Vargas on a road accident: “Akala ko mamamatay na ’ko”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 13, 2020 5:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Kamakailan lang nang masangkot sa isang road accident ang Kapuso actor/singer na si Jake Vargas, kasama ang kaniyang pamilya. Alamin mula sa young actor kung ano ang tunay na nangyari at kung anong natutunan niya mula sa aksidenteng ito.

Kamakailan lang nang mangyari ang isang road accident kung saan naging biktima si Kapuso actor/singer Jake Vargas at ang kaniyang pamilya.

Kuwento ni Jake, nangyari daw ang aksidente noong October 12 ng umaga habang bumabiyahe sila galing sa Pampanga papuntang Manila para isa isang mall show.

Ayon sa aktor, dahil sa malakas na ulan, naging madulas daw ang mga kalsada sa Dinalupihan (Bataan) kung saan nangyari ang road accident.

Habang tumatakbo raw ang kanilang sasakyan, may pa-curve at biglang pataas na daan ang sumalubong sa kanila. Nagulat na lang daw ang tito ni Jake na nagmamaneho ng sasakyan. “Pagkabig ni Tito Noli pa-kaliwa, hanggang sa lumakas ‘yung pagkabig, umikot-ikot kami at nahulog kami malapit na sa bangin,” saad niya.

“Pumikit na lang ako, akala ko mamamatay na'ko. Sobrang na-shock ako dun sa nangyari,” he added.

Dahil inakala na raw ni Jake na mawawala na siya sa mundo, laking pasalamat niya na lang na hindi sila natuluyang nalaglag. Pero nang imulat niya ang mga mata niya, nakita niyang naka-tagilid ang kanilang sasakyan at nasa tabi lang nito ang malalim na bangin. Kinabahan pa rin daw sila at hindi masyadong gumalaw dahil baka tuluyan silang malaglag.

Nang maging mahinahon na sila, tinawagan daw nila ang bayaw ni Jake na nagtatrabaho sa isang airport malapit sa lugar. Marami raw kasi itong kakilala at agad silang ni-rescue at dinala sa ospital.

Sa lahat daw ng nakasama sa aksidente, si Jake na raw ang may pinakamalalang nangyari. Nagkaroon kasi ng isang malaking bukol sa ulo at mga pasa sa likod kaya’t pina-examine agad ito sa doktor.

“Nagpa-xray ako. Sabi nga ng doktor, obserbahan ko raw kung masusuka or mahihilo ako. Basta ‘yun lang. Wala naman sinabing malalang nangyari sa’kin,” kuwento ni Jake.

Sinubukan pa raw ni Jake na pumunta sa mall show ngunit ang producer na raw mismo ang nagsabing huwag na tumuloy at magpahinga na lang.

Kuwento ni Jake, sa tuwing naaalala niya raw ang nangyaring aksidente, napapatahimik na lang daw siya. Sobrang nagpapasalamat na lang daw siya na buhay pa siya at walang matinding nangyari sa kaniyang pamilya.

Dahil sa nangyari, may lesson na natutunan si Jake mula sa aksidente. “Dati kasi hindi ako nagsi-seatbelt, pero ngayon nagsi-seatbelt na'ko. Mahirap kasi baka mamaya mawala ka na lang,” pahayag niya.

Ngayong fully recovered na si Jake Vargas, abangan siya sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento ngayong linggo ng gabi, after Kap’s Amazing Stories. - Text by Al Kendrick Noguera, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com