What's Hot

Jake Vargas: The nicest among the Tweens?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up in 7 areas as Ada further intensifies
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Sa birthday celebration ni Jake Vargas sa 'Walang Tulugan' noong nakaraang Sabado, sinorpresa siya ng ilan sa kanyang former co-stars sa 'Tween Hearts'. Maliban sa pagiging magkakatrabaho, sila’y naging mabubuting mga kaibigan niya na rin.
By MARY LOUISE LIGUNAS



Sa birthday celebration ni Jake Vargas sa Walang Tulugan noong nakaraang Sabado, sinorpresa siya ng ilan sa kanyang former co-stars sa Tween Hearts. Maliban sa pagiging magkakatrabaho, sila’y naging mabubuting mga kaibigan niya na rin.

Nagpahayag ng mga espesyal na mensahe sina Joyce Ching, Rhen Escaño at Hiro Peralta para sa heartthrob ng Walang Tulugan.

Mahal ang fans

Sinabi ni Joyce na hindi raw mapapantayan ang bait ng aktor. “Sobrang bait po ni Jake off-cam. Sobrang bait talaga sa lahat,” kuwento ng aktres.

“Hindi siya gaya ng ibang artista na kahit sobrang sikat na, hindi na namamansin ng fans. Si Jake talaga, sobrang mahal na mahal niya lahat ng fans niya,” dagdag pa ni Joyce.

Masaya at mapagkumbaba

Winish naman ni Rhen na kasamahan niya rin sa Walang Tulugan na sana’y manatiling masaya si Jake. “Syempre Jake, wish ko sayo dapat palagi kang happy. Alam naman naming lahat na masaya ka ngayon eh,” sabi ni Rhen.

Isa rin daw siyang testigo sa kabaitan ni Jake. “Syempre ipagpatuloy mo lang 'yung pagiging down to earth kasi alam naming lahat na sobrang bait [mo] talaga,” aniya.

Pinakamabait sa Tweens

Sa barkada ng Tweens, na napaka-close pa rin kahit tapos na ang show, inamin ni Hiro na si Jake ang pinakamabait. “Si Jake kasi yung pinakamabait sa Tweens. Siya 'yung pinakatahimik kasi lahat kami maingay [pero] nakikiride siya,” kuwento ni Hiro.

Pati sa set at backstage ng Walang Tulugan, hindi rin daw mapagkakaila ang kabutihang ipinapakita ng young actor. “Kahit 'yung mga kapatid natin dito sa Walang Tulugan, siya 'yung nag-a-assist sa mga bago. Siya [talaga] 'yung mga kumakausap sa mga bago,” sabi ni Hiro.