Article Inside Page
Showbiz News
Nilibing sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque si Jam Sebastian ng Jamich bandang alas singko ng hapon ngayong Linggo (March 8).
By BEA RODRIGUEZ
Naihatid na sa huling hantungan si Jam Sebastian, ang kalahati ng YouTube sensation na Jamich kaninang alas singko ng hapon sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.
Base sa live report ni Cata Tibayan sa
24 Oras Weekend kanina sa libing, naging emosyonal ang pamilya ni Jam nang magbigay sila ng kani-kanilang papuri sa misa na ginanap sa Our Lady of Pillar Parish Church para sa pumanaw na binata.
Naging luhaan ang naulilang fiancée ni Jam na si Mich Liggayu habang sinasabi na, “Paulit-ulit ako magpapasalamat sa iyo sa lahat-lahat. Idol. Solid. I love you forever.”
Dagdag pa niya, “Jam, thank you so much. No goodbyes, until we meet again” at kinanta ang “You Are My Song.”
Hindi naman mapigilan ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian na umiyak para humingi ng lakas sa yumaong anak, “Sana tulungan mo si mama.”
Ang nakatatandang kapatid naman ni Jam na si Yexel Sebastian ay pinilit na magpakatatag pero hindi pa rin naiwasang lumuha habang kinakanta ang “The Coconut Song.”
READ: Huling mga araw ni Jam Sebastian, inalala ng kaniyang ina at kapatid
Katulad sa burol ni Jam, dinagsa rin ng fans ang libing para makiramay at ipakita ang pagmamahal sa kanilang idolo at sa pamilya nito.
READ: Thousands flock to Jam Sebastian’s last day of wake
Ipagpapatuloy pa rin ni Mich ang paggagawa ng videos sa YouTube para sa fans at sa alaala ni Jam.
READ: Mich Liggayu idinetalye ang huling habilin sa kanya ni Jam
Pumanaw si Jam sa edad na 28 dahil sa lung cancer pagkatapos niyang labanan ito ng isang taon.
READ: Jam Sebastian loses battle to cancer