Tila nabuhayan ng pag-asa si Jam Sebastian ng Jamich ngayong araw na ito. Ano ang kanyang mensahe sa mga followers nila ni Mich Liggayu?
Tila nabuhayan ng pag-asa si Jam Sebastian na gagaling pa siya mula sa sakit na lung cancer. Ngayong araw lamang ay kinamusta niya ang kanyang mga followers sa Instagram at sinabing, "God is healing me everyday. Siya lang talaga nagpapagaling at nagpapalakas sa akin! Ingat kayo buong araw at always believe that GOD WILL AMAZE YOU EVERYDAY!"
Mahigit isang buwan nang naka-confine sa St. Lukes's Medical Center Global City si Jam. Nasa stage 4 na ang kanyang cancer na kumalat na rin sa kanyang mga buto. Matatandaan na kamakailan lang ay hiniling ni Jam sa ina ang mercy killing dahil sa lubos na hirap na pinagdaraanan nito.
Binisita rin si Jam ng celebrity cosmetic doctor, aktor at businessman na si
Hayden Kho.