What's Hot

James Blanco, balik-Kapuso after nine years

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 12:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lang si Iya Villania ang balik-Kapuso ngayong taon. 
By AL KENDRICK NOGUERA

 
Hindi lang si Iya Villania ang nagbabalik-Kapuso dahil after nine years, muli ring bumalik sa kanyang bahay si Kapuso actor James Blanco. Tulad ni Iya, galing din si James sa sikat na youth-oriented show noon na Click.

"Ang sarap kasi sobrang welcome sa 'kin ng mga tao rito. Walang pinagbago, sobrang init ng pagtanggap nila sa 'kin. Feeling ko hindi ako nawala ng almost nine years dito," saad ng aktor.
 
Dagdag pa niya, "'Yung mga kasama ko dati na PA (production assistant), ngayon mga EP (executive producer) na. Ang galing naman at nakakatuwa kasi ganoon pa rin 'yung treatment nila sa 'kin."
 
Ang Yagit ang tulay ng pagbabalik ni James sa Kapuso network. Hindi nga raw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project na ito kahit na pressured siya sa remake ng sikat na serye noong '80s.
 
"Siyempre medyo kinakabahan ako. Noong ibinalita sa 'kin ng manager ko na si Paul Cabral na oh mayroon kang show sa GMA, sabi ko sige, ano ba'ng role? Yagit daw. Sikat na sikat noong araw 'yon ah, sabi ko," kuwento ni James.
 
Inakala raw ni James na supporting cast lang siya Afternoon Prime soap. Aniya, "Tinanong ko kung ano 'yung role ko. Sa movie raw, [gumanap daw sa] role ko si Dindo Fernando. Sa TV, si Ernie Garcia naman."
 
"Sabi ko, ang bigat noon dahil mga batikang aktor 'yon 'di ba," dagdag ng Yagit star.
 
Sa umpisa raw ay talagang kinakabahan si James i-portray ang role ni Victor. "Pero siyempre sa tulong ni Direk Gina (Alajar), nawala 'yung kaba ko," pagtatapos ni James.