GMA Logo james blanco on prima donnas
What's on TV

James Blanco, malaking pasasalamat sa pagiging parte ng 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 16, 2021 5:06 PM PHT
Updated February 16, 2021 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

james blanco on prima donnas


Lubos ang pasasalamat ni James Blanco sa kanyang co-actors dahil "tinanggap ako nang buong-buo kahit medyo late na ako nakapasok."

Taos-pusong nagpasalamat ang batikang aktor na si James Blanco sa kanyang Prima Donnas co-actors dahil sa mainit nilang pagtanggap sa kanya.

Noong magsimula ang Prima Donnas, hindi pa kasama sa kwento ang karakter ni Ruben, ang ginagampanan ni James.

Ngayong malapit nang matapos ang kuwento ng tatlong Donnas na sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo), may madamdaming mensahe si James para sa kanyang co-stars.

"Sobrang saya ng pakiramdam ko na naging part ako ng Prima Donnas, tinanggap ako nang buong-buo kahit medyo late na ako nakapasok, tinanggap ako ng buong cast," saad ni James nang magkaroon ng grand finale reunion ang buong cast noong Biyernes, February 12.

"At siyempre, Nay [Gina Alajar], sa inyo sobrang saya ng pakiramdam ko kasi kahit na may pandemic, hindi tayo nagpatinag.

"Nagsama-sama tayong lahat para matapos natin nang maganda at walang maging problema sa set natin.

"Sobrang salamat sa inyong lahat."

Ginagampanan ni James Blanco sa 'Prima Donnas' si Ruben, ang tunay na ama ni Donna Marie na ginagampanan ni Jillian Ward. / Source: jamesblancocastillo (IG)

Nagbigay-pugay naman ang beteranang aktres na si Chanda Romero sa bumubuo ng Prima Donnas sa likod ng camera, sa pangunguna ng program manager nitong si Redgynn Alba, at executive producer na si Ysai Hilario.

Saad niya, "Personally, when you say struggle, I didn't struggle much.

"Ang alam ko na nag-struggle talaga to work this out and get this show going is, alam ko, ang PM namin, si Redgynn, our EP, our AP, sina Ysai, Tintin, Erwin, and sina Direk [Gina].

"I know that they were the ones who struggled."

Panoorin ang nakakaiyak na mensahe nina James at Ms. Chanda DITO:

Tutukan ang huling linggo ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.

Mapapanood rin ng mga Kapuso abroad ang Prima Donnas sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.

Kahit na may pandemya, natapos ng Prima Donnas ang kanilang kwento nang magkaroon sila ng 'lock-in taping.'

Balikan kung ano ang nangyari sa 'new normal' taping nila DITO: