GMA Logo James Blanco
What's on TV

James Blanco, ramdam ang inis ng viewers kay Rigor sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published February 5, 2025 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

James Blanco


"Alam n'yo ba minsan 'pag nagla-live ako... ang daming galit sa akin." - James Blanco

Ramdam na ramdam ni James Blanco ang inis ng manonood sa kanyang karakter na si Rigor sa afternoon series na Forever Young.

Sa interview ng GMANetwork.com, natatawang ikinuwento ni James ang reaksyon sa kanya ng ilang netizens lalo na kapag nagla-live ito sa kanyang social media accounts.

"Alam n'yo ba minsan 'pag nagla-live ako sa TikTok, sa [social media], ang daming galit sa akin," sabi ni James. "Pinatay mo si ganto, si ganun. Sino pa ang papatayin mo?

"Parang this week or next week may mamamatay na naman," pagtukoy nito sa pagkamatay ni Oliver, na ginampanan ni Yasser Marta, kung saan siya rin ang pumatay.

"So lahat sila, 'Rigor! Salbahe ka! Ano pa plano n'yo ni Gov. Esmeralda (Eula Valdes)?'

Ani James, mas marami pang dapat na abangan ang manonood ngayon sa Forever Young dahil maraming rebelasyon ang mangyayari.

Natutuwa naman ang aktor sa reaksyon ng mga manonood kay Rigor dahil patunay lamang ito na epektibo niyang nagampanan ang kanyang karakter sa serye.

"Pero natutuwa ako kasi alam mo 'yon, effective 'yung character ko as Rigor and nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinigay sa akin ng production, ng team."

Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.