
Bagong kulitan, kuwentuhan, at saya ang mapapanood ngayong weekend sa bagong game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken!
Humandang mag-enjoy sa tawanan at papremyo kasama ang ating mga host na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Ngayong Sabado (July 18), hatid din ng game show ang panibagong celebri-peep pair na tiyak na magbibigay ng fresh na kuwentuhan at masayang kulitan.
Kasama ang beauty queen at advocate na si Joy Barcoma, mapapanood ang espesyal na opinionated guest na uupo bilang celebri-peep.
Abangan ang stand-up comedian at The KoolPals podcaster—walang iba kundi si James Caraan!
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: