
Solid talaga ang saya at kulitan tuwing Saturday night sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken!
Mula sa on-screen hanggang sa likod ng camera, tuloy-tuloy ang tawanan at kuwentuhan kasama ang masayang squad ng game show, hosted by Heart Evangelista.
Nitong Sabado, July 18, nakasama ng People ang podcaster at stand-up comedian na si James Caraan bilang special celebri-peep guest.
Sa bawat round ng game show, bentang-benta ang mga candid, diverse, at nakakatawang opinyon ni James, na lalong nagpasaya sa studio at sa mga manonood.
Bukod dito, kinaaliwan din ng viewers ang kanyang comedic chemistry kasama ang resident celebri-peep na si Joy Barcoma.
Umani kaagad si James ng papuri online, kung saan marami ang natuwa sa bardagulang kulitan at good vibes na kanyang hatid.
Hindi lang ang Kapuso viewers ang hindi maka-move on sa naturang episode, maging si James ay masayang binalikan ang kanyang guesting sa kanyang social media pages.
Ibinahagi ng comedian ang ilan sa kanyang mga paboritong eksena, mula sa kulitan nila ng host na si Sean Lucas hanggang sa kanyang mga "walang matinong sagot" moments na ikinatuwa ng netizens.
"Kinoolpal ee. ," biro ng isang fan.
Dagdag pa ng isa, "[H]ahaha sana regular celebrity peeps na si direk John sa TPHS ," dagdag ng isa pa.
Isa rin sa mga naging highlight ng kanyang guesting ang pagkikita nila ni Heart Evangelista.
" Magbabalik ang tambalang John Prats at Heart Evangelista," biro ni James, kamukha raw niya si John Prats noong high school.
Maraming fans ang natawa sa kanyang biro at nakisali sa kulitan sa comment section, kabilang na si Heart mismo.
Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: