
Proud member na ngayon ng LGBTQIA+ community ang dating Royal Blood actor na si James Graham.
Ito ay matapos ang aksidenteng pag-come out nang mag-viral ang kanyang TikTok video na in-upload noong July 19 kung saan makikitang babae na ang kanyang itsura habang nili-lip sync ang kantang "The Sign" ng Ace of Base.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ikinuwento ni James na hindi niya pinlano ang kanyang pag-come out.
"Mayroon akong secret account on TikTok, kumbaga 'yung parang server ng account na 'yon is in the United States so it wouldn't really show up in the Philippines. Like unless one of my videos blew up like that. It was initially for my friends and my closest family," sabi ni James.
"Tinanggap ko na lang po kasi like I've been wanting to tell people. I guess not now, but since it's happening right now, I just got it accepted and live my life," dagdag niya.
Inamin din ni James na nakaramdam siya ng takot noong una, lalo na't isa itong sikreto noong nasa Pilipinas pa siya. Naninirahan siya ngayon sa Amerika at nag-aaral ng nursing.
Dagdag niya, may mga nababasa siyang hate comments, pero mas marami pa rin ang nagpaparating ng suporta sa kanya.
Nang tanungin kung paano niya hinaharap ang mga negatibong komento, sagot ni James, "I just brush it off. Like, pinapabayaan ko na lang. Like, opinyon mo 'yan, that's not gonna affect me anyway. You don't know me as a person. You don't know why I feel like this. You don't know why I wanted to be like this."
Ani James, naghahanda na rin siya sa pag-transition, at ang pronouns niya ngayon ay "she at her."
Ipinarating din ni James na may plano pa rin siyang bumalik sa showbiz.
"I guess because I'm only studying to secure my future. I want to have some kind of degree, so I have like a falling mat where I can fall to if being an artist doesn't work.
"One of my passions is acting. One of my passions is entertainment. I don't think I can forever let go of that because it's been a part of me ever since I was young."
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa mga dumaraan sa kapareho niyang sitwasyon. Sabi niya, "You just gonna believe in yourself. You can come out in your own time, as long as you're comfortable. There's no rush.
"I was living a lie, and I was living in fear. And I guess I just got tired of it. You deserve a place in this world. You deserve to be seen. You deserve to be respected. You don't have to be afraid anymore because lots of people love you and will love you for who you are."
SAMANTALA, KILALANIN SI JAMES GRAHAM SA GALLERY NA ITO: