
Bilang isang normal teenager na galing sa Australia at bago pa lamang naninirahan sa Pilipinas, wala raw talaga sa isip noon ng actor-singer na si James Reid na magiging isa siyang artista.
Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, May 31, game na nakipagkuwentuhan si James sa batikang TV host kung saan binalikan niya ang pagsisimula niya noon sa showbiz.
Ayon kay James, hindi niya talaga lubos akalain na makakapasok siya sa showbiz at magiging isang sikat na artista.
Pero tanong ni Boy Abunda kay James, “Pero noon alam mo na na guwapo ka?”
Dito na ikinuwento ni James ang kakaibang experience niya noon sa isang eskuwelahan sa Makati kung saan siya sandaling nag-aral ng high school.
Kuwento niya, “I went to a high school for I think 2 months [in] Makati Science High School. I was 16. 'Pag [puma]pasok ako every morning into the school, all the students would be screaming. This is before I was on TV, this is before everything.”
Alam naman daw ni James na naiiba siya dahil isa siyang Filipino-Australian pero napatanong din siya noon sa kaniyang sarili kung guwapo ba talaga siya.
Aniya, “So they would all scream and I was like, 'What's happening?' They were all taking pictures, they were all screaming and saying, 'He's so guwapo.' I look very different from everyone else so that was the first time I was like, 'Am I good looking?' That was the first time.”
“Talaga? So, hindi ka pa artista tinitilian ka na pala,” natatawang sinabi ni Boy.
“I tried very hard not to let it go to my head,” nakangiti namang sinabi ni James.
Samantala, ito naman ang ikalawang beses na nakatapak si James sa GMA Network. Unang beses siyang nakabisita rito ay noong nag-promote siya ng pelikulang Diary Ng Panget: The Movie kung saan nakatambal niya ang kaniyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre.
Bukod sa paggawa ng music ngayon, plano na rin ni James Reid ang bumalik sa pag-arte at bukas siya sa posibilidad na magtrabaho sa GMA.
RELATED GALLERY: JAMES REID'S SWOOM-WORTHY LOOKS