
Nagpaabot ng mensahe at pagbati si James Yap sa kanyang anak kay Kris Aquino na si Bimby.
Kasama ng birthday greeting ni James para sa kanyang panganay ay ilan sa kanilang throwback photos.
Aniya, “Happy happy 13th birthday Bimb. May God continue to bless you with many more years of health and life. I love you son.”
Si Bimby ay nagdiwang ng kanyang kaarawang nitong Linggo, April 19 kasama ang kanyang ina at kapatid na si Josh. Sa Puerto Galera naganap ang kanyang simpleng selebrasyon dahil stranded pa rin ang kanyang pamilya sa isla dahil sa enhanced community quarantine.