
Kasabay ng unang gabi ng Semi Finals Round ng The Voice Generations ngayong Linggo, November 26, isang espesyal na bisita ang magpe-perform sa The Voice stage ng GMA.
Ito ay ang The Voice UK 2017 finalist at international singer-songwriter na si Jamie Miller.
Si Jamie ay ang nagpasikat sa awiting “Here's Your Perfect” noong 2021 na naging isa sa mga hugot song din ng maraming Pinoy magpahanggang ngayon.
Sa pagbisita ni Jamie sa The Voice Generations ng GMA, makasama niya kaya sa isang performance ang superstar coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell, at Chito Miranda? 'Yan ang dapat abangan!
Samantala sa pagsisimula ng Semi Finals Round, mas titindi ang desisyong kakaharapin ng coaches kung saan kailangan na nilang pumili mula sa kanilang tig-dalawang grupo ng talent ng isang grupo na ilalaban nila sa Grand Finals.
Sino kaya sa mga matitirang grupo ng talents sa Team Bilib, Julesquad, Stellbound, at Parokya Ni Chito ang magtatapat-tapat sa finale?
Tumutok sa mas tumitinding labanan ng talents sa The Voice Generations tuwing Linggo, 7:20 p.m. bago ang KMJS. Maaari ring panoorin ang delayed teleacast 10:45 p.m. sa GTV.
Para sa mga Pinoy abroad, maaari ring mapanood ang The Voice Generations sa GMA Pinoy TV.
Para sa iba pang updates, magtungo sa www.GMANetwork.com.