
Kilala ngayon bilang The Inspirational Diva ang singer na si Jamie Rivera dahil sa mga awitin niyang nagpapalakas ng loob at nagbibigay inspirasyon sa mga tao. Ngunit ang bansag na ito, pagbabahagi ng singer sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, nakuha niya dahil lang sa isang kanta.
Taong 2000 nang alukin umano si Jamie ng kaniyang kapatid na kumanta para sa kaarawan ni Hesus. Pag-amin ng singer, akala niya ay simpleng birthday song lang ang kakantahin niya. Iyon pala, ang Jubilee song ang kaniyang aawitin.
“I recorded it, and that started it all. From the Jubilee Song, I was asked again to sing for the Fourth World Meeting of Families for Pope John Paul II. It just so happened that Saint John Paul II then was in so he was able to come. We sang at the Luneta Grandstand, live via satellite pa nu'n kay Pope John Paul II and he was listening to us,” pagbabahagi ni Jamie.
Pagkatapos noon, nakilala rin siya sa pagkanta niya noong People Power 2 ng “Heal Our Land.” Sa pagkanta niya umano nito ay binansagan siya ng songwriter na si Ron Romulo bilang “The Inspirational Diva.”
Ngunit pagbabahagi ni Jamie, hindi naman talaga siya inspirational singer. Sa katunayan, marami siyang pop hits noon, kabilang na ang “Hey, It's Me.” Sa katunayan, sumali pa siya noon sa mga singing contests at nakasama sina Regine Velasquez at Lilet, mga kapwa niyang singer.
“It was a friendly competition actually, kasi magkakasama kami sa Star Force. Ang nagco-compete lang naman, 'yung mga fans so mga palakasan sila ng mga tili nila, 'yung ganu'n, atsaka 'yung mga placards nila. Sila-sila 'yung nag-aaway, sila-sila 'yung nagko-compete among each other,” sabi ni Jamie.
Bukod dito, naging bahagi rin si Jaime noon ng teatro, kabilang na ang Miss Saigon sa London.
"Nauna sina Lea (Salonga), Monique (Wilson), and Janine (Desiderio), they were all together. When Lea was transferred to Broadway, I had to fill up the space in London so I was brought there. But before that, we were invited to audition in Miss Saigon in Broadway. So together with Ate Dulce, Regine, and myself, altogether we went to Broadway to audition there,” pagbabalik-tanaw ni Jamie.
KILALANIN ANG KAPUSO STARS NA NAGING BAHAGI NA RIN NG THEATER PRODUCTIONS SA GALLERY NA ITO: