
Ilan sa kilalang vloggers na Pinoy couple on YouTube ay sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad na mas sikat sa tawag na JaMill.
Sa isang Facebook video nito lamang Huwebes, ipinaalam ng magkasintahan na deleted na ang kanilang Youtube channel.
“Gusto lang namin 'yung simple gaya ng nangyayari sa amin dati. Simple lang kami,” sabi ni Jayzam.
Dagdag pa niya, “Ayaw na naming yung masyadong mataas, madaming nakakakita sa amin…Gusto naming kami nalang nakakakita sa relasyon namin.”
Sa dami ng sumusuporta sa JaMill, umabot sa 12 million subscribers ang kanilang YouTube channel.
Nang magsulputan ang kanilang followers at viewers, tinawag nila itong “mga mandirigma.”
Courtesy: jamillph (IG)
Nagkaroon rin ng Team Jayzam at Team Camillle kung saan kanya-kanya ng sinusuportahan ang kanilang fans kapag mayroon silang prank at challenges sa isa't isa.
Courtesy: cathygonzaga (IG)
Courtesy: zebby_harake24 (IG)
Ilang mga kapwa vloggers rin tulad ni Alex Gonzaga at Zeinab Harake ang nakasama nila sa kanilang YouTube videos.
Ikinuwento ni Jayzam na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Camille bago pagdesisyunan na burahin ang kanilang channel.
Ayon kay Jayzam, “Kahit mawala yung channel namin, kami pa rin. Nagmamahalan pa rin kami.”
“Nalulungkot ako kasi 'yung memories pero the fact na maialis naming sa pangalan namin na nag-stick lang kami dahil may YouTube, ang sarap sa pakiramdam,” dagdag pa ni Jayzam.
Ayon pa sa JaMill, “Ito ay one-step level para sa ikahe-healthy ng relasyon naming dalawa dahil ayaw na talaga namin 'yung sinasabihan kami na nagsasama lang kami dahil sa Youtube.
Kasunod nito, nagpasalamat ang JaMill sa lahat ng sumuporta sa kanila magmula noon hanggang ngayon. Kakabit nito ang lubos din na pasasalamat sa kanilang milyun-milyong YouTube subscribers.
Sa isang vlog, masayang ibinahagi ng JaMill ang kanilang mga naipundar sa loob ng tatlong taon nilang pagsusumikap bilang vloggers.
#ReationshipGoals ang JaMill dahil mula sa naipong kita sa kanilang YouTube channel, natupad ang goals ng dalawa at nakapagpundar sila ng napakagandang bahay at mga magagarang sasakyan.
Courtesy: jamillph (IG)
Sa isang interview, una nang sinabi ng JaMill na ang priority nila ay magpasaya sa pamamagitan ng vlogging.