GMA Logo Gerard Pizarras, Jan Marini
Celebrity Life

Jan Marini at Claudine Barretto, bakit nga ba nagkaroon ng alitan?

By Hazel Jane Cruz
Published January 10, 2025 3:14 PM PHT
Updated January 10, 2025 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News

Gerard Pizarras, Jan Marini


Matatandaang nagkaroon ng issue ang dalawang aktres noong late '90s.

Ilan lang sina Jan Marini at Claudine Barretto sa mga pinakahinahangaang aktres magmula pa noong '90s hindi lamang dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa telebisyon, kung hindi pati na rin dahil sa kanilang matatag na pagkakaibigan.

Ngunit matatandaan na nagkaroon ng alitan ang mag-best friends na talagang ikinagulat ng mga fans.

Hindi naman na isiniwalat ng dalawa ang dahilan ng kanilang issue, ngunit nabuksan muli ang usaping ito sa latest appearance nina Jan Marini at kaniyang asawang si Gerard Pizarras sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Chef Ylyt.

Sa segment na “Kitchen-terrogate,” tinanong ni Mikee Quintos ang dahilan ng away ng dalawang aktres.

“I-reveal kung ano ang dahilan sa alitan ninyo ni Ms. Claudine Barretto,” ani Mikee.

Tila natameme ang mag-asawa at piniling huwag sagutin ang kontrobersiyal na tanong ng host.

“That's the best,” ani Gerard.

RELATED GALLERY: TIMELINE OF THE BARRETTO FAMILY FEUD

Sa isang interview noong 2015, naghayag ng komento si Jan tungkol sa alitan niya kay Claudine at sinabing 1999 pa raw nangyari ang nasabing isyu.

Maikling paliwanag ni Jan, may “miscommunication” lamang daw na nangyari sa kanila.

“Pero alam mo, ang tingin ko talaga, ano lang 'yon, eh. Kumbaga, miscommunication lang. Hindi ko alam, eh. Basta isang araw, isang taping day, sinabi na lang sa akin na, 'Uy, galit sa 'yo si Clau.' Sabi ko naman, baka lang masama ang gising,” ani Jan.

Hindi naman na pinalawig pa ni Jan ang usapin sa nasabing 2015 interview at hinikayat na lamang ang lahat na “mag-move on” dahil “matatanda” na sila at “matagal nang tapos” and lahat.

RELATED GALLERY: ULTIMATE CELEBRITY BFFS WHO ARE INSEPARABLE