
Limang taon na ang relasyon ng Midnight Girls actress na si Jane Oineza at ng aktor na si RK Bagatsing. Habang ang co-star ng una na si Sanya Lopez, tila nagsisimula pa lang sa rumored love life. Kaya naman, isang importanteng payo ang ibinigay ng Kapamilya actress sa Kapuso star.
“I think ano lang naman 'yan, every day, kailangan n'yong piliin 'yung isa't isa kasi may mga araw naman na hindi tayo in our best behavior,” sabi ni Jane sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 13.
Sabi pa ni Jane, habang importante ang komunikasyon sa isang relasyon, dapat meron ding pag-unawa.
“'Yung understanding din at times kung hindi ka 100 percent, 'yung partner mo 'yung magpupuno nu'n. And dapat, willing ka rin mag-understand na at times, ikaw naman 'yun,” sabi ni Jane.
KILALANIN ANG MGA ON-CAM COUPLES NA NAGKATULUYAN SSA TOTOONG BUHAY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, dahil matagal na ang relasyon nina Jane at RK, hindi maiiwasang matanong sila tungkol sa kasal. Ngunit paalala ni King of Talk Boy Abunda sa aktres, 'wag sana silang magpapa-pressure sa mga katanungan.
Para kay Jane, okay lang naman na matanong sila tungkol sa kasal. Naiintindihan naman daw niya kung ma-curious ang mga tao tungkol doon.
Nagbigay rin ng payo si Jane kay Sanya tungkol sa pagpapakasal, “Kung mag-a-advise din ako tungkol do'n, siyempre, parang hindi naman tayo dapat ma-pressure sa timeline ng iba and kung darating siya, darating siya.”
Noong 2020 pa nang unang magkaroon ng haka-haka tungkol sa relasyon nina Jane at RK, na unang magkatrabaho sa isang romantic film. Noong sumunod na taon, nilinaw nila ang mga usap-usapan sa pamamagitan ng TikTok dance video, kung saan napanood silang nag-kiss.