GMA Logo Janella Salvador
Photo source: FTWBA
What's on TV

Janella Salvador, handa ba makipagrelasyon sa kapwa babae?

By Karen Juliane Crucillo
Published September 30, 2025 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Janella Salvador


Janella Salvador sa pakikipagrelasyon sa kapwa babae: “I love who I love.”

Sa usapang love life, hindi nakaligtas si Janella Salvador na ibahagi ang lagay ng kanyang puso lalo na't nali-link siya ngayon sa Sparkle artist na si Klea Pineda.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Lunes, September 29, diretsahang sinagot ng aktres ang tanong tungkol sa posibilidad na pakikipagrelasyon sa kapwa babae.

"I guess the answer would have to stay with me muna,” sabi ng aktres.

Dagdag niya, “But I love who I love.”

Sinagot din ng aktres ang isyu na umano'y pagkakasangkot niya sa hiwalayan nina Klea at Katrice Kierulf.

"I guess 'cause magkatrabaho kami sa 'Open Ending' kaya nagkaroon ng rumors na ganon, and they broke up right after the film. So, I guess, that's where all the rumors started, and they saw that we were hanging out after the film, we've been hanging out,” paliwanag ni Janella.

Sa ngayon, aminado si Janella na masaya ang kanyang puso.

“Genuinely, I am happy right now, all aspects of my life, I am doing okay. So, happy ako,” aniya.

Inamin din niya na isa sa mga hinahanap niya sa kanyang future partner ay “stability” lalo't isinasaalang-alang niya ang kanyang anak na si Jude.

“I have been through a lot, a lot, and I think I deserve to be loved right this time around and kapag nagmahal naman ako, all in,” mensahe ni Janella para sa kanyang magiging future partner.

Pagbibidahan ni Janella, kasama sina Klea, Jasmine Curtis-Smith at OPM singer Leanne Mamonong, ang queer film na Open Endings na isa sa mga official entries ng Cinemalaya 2025.

Panoorin ang buong panayam ni Janella Salvador dito:

Samantala, silipin dito ang sweet moments ni Janella Salvador at ang kanyang anak na si Jude: