
May importanteng payo ang Open Endings star na si Janella Salvador sa kanyang co-star na si Klea Pineda pagdating sa misogynistic comments at online threats.
“First of all, huwag kang magbasa,” sabi ni Janella sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, June 9.
Kasama niya sa pagbisita sa naturang GMA Afternoon Talk Show ang co-stars na sina Klea, Jasmine Curtis-Smith, at Leanne Mamonong.
“Pero aside from that, of course, really, nobody deserves to be on the receiving end of that. So ako, I really just as much as possible, gusto ko maging andiyan, makikinig lang ako kapag kailangan niya ako. Presence lang po,” sabi ni Janella.
Matatandaan na nitong May, nagsalita si Klea tungkol sa natanggap niyang nakakabahalang mensahe sa social media. Ilang araw lang, nagsalita rin si Janella sa X (dating Twitter) tungkol sa “misogynistic,” “colorist,” at “lesphobic” remarks ng mga tao.
BALIKAN ANG KILLER RESPONSE NG CELEBRITIES SA BASHERS SA GALLERY NA ITO:
Sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, inamin ni Klea na iniiwasan na niyang magbasa ng comments sa social media ngayon at tinutulungan din siya ni Janella dito, lalo na at puro negatibo lang naman ang mensahe nila.
“Kapag nakikita niya akong nagche-check ng social media comments. Parang 'Ah, nagbabasa ka na naman, mamaya wala ka na naman sa mood.' So parang nu'ng nakita ko 'yung isang message na 'yun, sinabi ko kaagad sa kanya and in-ask ko siya kung ano 'yung dapat kong gawin about it kasi parang nanginig 'yung buong katawan ko, Tito Boy, parang umabot sa ganun,” pagbabahagi ni Klea.
Iginiit din ng Kapuso actress na walang sinuman ang karapat-dapat na makatanggap ng mga ganoong mensahe.
Samantala, pinuna rin ni Jasmine ang mga taong nagbabahagi ng ganoong mga komento at opinyon, at hinanap sa kanila ang basic decency.
“Minsan napapaisip ako, 'Wow, nag-effort ka talagang i-type 'yun at i-press ang send na gusto mong iparating 'yung masama mong iniisip sa 'min?' Hindi ko ma-gets, e,” sabi ng aktres.
Pinayuhan din ni Jasmine ang mga taong iyon na makipag-usap sa psychologist na makakapagpaliwanag sa kanila kung ano ang disenteng pakikipag-usap sa kapwa. Aniya, sana ay lawakan pa ng mga tao ang kanilang pag-iisip pagdating sa mga ganoong bagay.
Panoorin ang panayam kina Janella, Klea, Jasmine, at Leanne dito: