GMA Logo  iat:  Gelli
What's on TV

Janice at Gelli de Belen, naniniwala ba sa second chance sa pag-ibig?

By Kristine Kang
Published August 15, 2026 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House budget deliberations to proceed despite Sara Duterte impeachment trial — Abante
Alex Eala on Pacquiao comparisons: 'I'm still very, very far from the levels of Pacquiao'
14 nabbed, 174 rescued in Davao City steel facility raid

Article Inside Page


Showbiz News

 iat:  Gelli


Alamin ang opinyon nina Janice at Gelli de Belen sa POV Check question, dito!

Handa na ang Team JANELLI (Janice at Gelli de Belen) sa mga nakakaintrigang tanong sa GMA Comedy game show na The People Have Spoken!

Sa isang YouLOL online exclusive, hinarap muna ng De Belen sisters ang isang POV Check na: "Sa love, naniniwala ka bang everybody deserves a second chance?"

Para sa kanila, depende ang kanilang sagot.

"Depende kung saan siya pumalpak noong first," ani Gelli.

Ngunit hindi agad sumang-ayon si Janice:

“Parang dapat hindi na,” sumbat niya.

Para naman kay Gelli, may mga pagkakataong nararapat pa ring bigyan ng panibagong pagkakataon ang isang tao.

"Pwede naman. Puwede magbigay ng chance. Everybody deserves a second chance. I believe in everybody deserves a second chance," paliwanag ni Gelli.

Sa huli, nanatiling “depende” ang sagot ng magkapatid pagdating sa pagbibigay ng second chance sa pag-ibig.

READ: Vina Morales at Sheryl Cruz, ayaw sa sampalan?

Abangan ngayong gabi ang tapatan ng Team JANELLI at Team VISHER (Vina Morales at Sheryl Cruz) sa The People Have Spoken, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.

Samantala, tumutok sa The People Have Spoken ngayong Sabado para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: