
Maghanda na sa isang exciting na "maritesan" at reunion nina Carmina Villarroel, Janice, at Gelli De Belen sa Sarap, 'Di Ba?
Isang fun Saturday morning ang ating mapapanood ngayong December 30 dahil sa mga inihandang kuwento nina Janice and Gelli about life and love.
Mapapanood din natin si Donita Nose bilang co-host nina Cassy at Mavy Legaspi sa fun reunion ng SIS hosts.
Ihahanda pa sa Sabado ang masarap na Pinipig and Muscovado Polvoron and Cookies and Cream Polvoron na perfect for the holiday season.
Abangan ang lahat ng ito ngayong December 30, 10:00 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? online sa GMA Network at Adventure. Taste. Moments (ATM) YouTube channels at sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page.