
Tinawagan at kinausap ni Janice de Belen ang anak na si Inah de Belen nang malaman ang isyu nito sa content creator na si Rosmar Tan.
Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda, ikinuwento ni Janice ang naging reaksyon niya sa isyu kung saan, aniya, imposibleng hindi niya pakielaman ang anak dahil ina siya.
"I cannot not get involved, I'm a mom," sabi ng aktres.
"I called her. I immediately told her what was wrong. 'Tapos, quiet na ako. Basta nasabi ko na, quiet na ako. Kasi, I have to leave you to think about it. Ikaw na 'yan. I told you what was wrong, ikaw na 'yan," dagdag niya.
Ayon pa kay Janice, nang magkita sila ng anak matapos niya itong sinabihan ay hindi na rin siya nagsalita kay Inah ng anuman tungkol sa isyu.
Pero, aniya, "When it was over, recently lang, sabi ko sa kanya, 'Since tapos na, pwede ba, please ingat din," sabi raw niya kay Inah. "Hindi na ko 'yung nagbibigay ng mahabang sermon. Maikli na lang."
Matatandaan na nagsimula ang kontrobersiya noong unang linggo ng Mayo nang mag-react si Inah sa komento ng isang netizen na napagkamalan siyang si Rosmar sa larawan kasama ang boyfriend na si Jake Vargas habang nasa selebrasyon ng Flores de Mayo sa Bulacan.
“Sorry po ha. Nagtataka ako bakit and'yan si Jake Vargas, akala ko talaga si Rosmar kung di ko nabasa 'yung pangalan. Nag 2 tingin pa ako; ang mag-jowa pala talaga. Ang ganda mo pati ng damit mo,” komento ng netizen.
Sinagot ito ni Inah at sinabi na hindi niya kilala si Rosmar. Sulat niya, “Guys, sino ba si Rosmar, hindi ko siya kilala."
Pero matapos na i-research si Rosmar, nakiusap si Inah na huwag siyang iugnay rito. Aniya, “Na-research ko na siya plssss don't associate me with her ew."
Matapos ang komentong ito mula kay Inah, ipinarating ni Rosmarang pagkadismaya sa sinabi ng aktres sa pamamagitan ng social media.
“Kung maka ew ka naman sakin. Mas mukha ka pa ngang mom of 3 sakin. At kung makasabi ka ng di mo ako kilala? Mas di kita kilala san ka lumabas? Hiyang hiya naman sayo ang 30M total followers ko.
“Kala ko di mo ko kilala? Pero sasabihan mo ako ng 'ew' at nakakabwisit? Okay lang sana na di mo ako kilala pero anong ginawa ko sa'yo? Para sabihan mo ako ng EW? Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!” sulat ni Rosmar.
Samantala, kilalanin dito ang iba pang mga anak ni Janice: