
Loud and proud fan ng Korean drama shows ang veteran actress na si Janice de Belen. Ilan sa mga hinahangaan niyang Korean actors ay sina Lee Min-ho, Lee Soo-hyuk, Cha Seung-won at Jang Hyuk.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Janice sa press conference ng My Korean Jagiya, inamin niya na masayang-masaya raw siya na maging part ng cast ng groundbreaking Kapuso show na ito.
Ani Janice, "Mas excited pa ako kay Heart (Evangelista). Siyempre sobrang excited [ako] kasi in a way na, dream mo makasama ang mga Korean actors."
Kinuwento rin ng aktres ang gagampanan niyang role sa My Korean Jagiya na si Aida, ang tiyahin ni Gia na tumayong pangalawang ina para sa kaniyang naulilang pamangkin.
"I am Heart's tita na matandang dalaga by biyuda kasi kakakasal ko pa lang, nabiyuda kaagad," wika niya.
Masaya rin naman si Janice na muling makatrabaho si Heart Evangelista sa My Koreang Jagiya.
Aniya, "I've worked with her before, I love Heart, she's such a pleasant person and she's always nice to be with."
Ano naman kaya ang masasabi niya kay Alexander Lee at ang ibang South Korean actors na sina David Kim, Michelle Oh, at Jerry Lee?
"He's such a nice kid, he's a really nice kid. In fact, all the Korean actors, they're very nice. Kinikilig ako makakilala ng Korean actor, OA sa excitement."