GMA Logo janina san miguel on family feud
What's on TV

Janina San Miguel and family, walang 'pressure' na maglalaro sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published May 2, 2023 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

janina san miguel on family feud


Abangan ang paglalaro nina Janina San Miguel at kaniyang pamilya mamaya sa Family Feud.

Exciting muli ang episode ngayong Martes ng weekday game show ng GMA na Family Feud sa paghaharap ng pamilya ng dating beauty queen na si Janina San Miguel at paranormal investigator na si Ed Caluag.

Sa teaser na inilabas ng programa, kasama ni Janina sa kaniyang team na 'My Family' ang fellow beauty queen at Binibining Pilipinas International 2008 na si Patricia Fernandez, ang kaniyang manager na si Pia Borromeo at kaniyang kaibigan at fashion designer na si Nickky Martinez.

Makakalaban naman nila sa hulaan ng top survey answers ang pamilya Caluag, kasama mismo si Ed, at kaniyang mga pinsan na sina Liza, Ryan Caluag, at kaibigan na si Rhon Villar.

“Do you feel any pressure right now?” tanong ng game master na si Dingdong Dantes kay Janina.

“Of course no, we're very confident,” nakangiting sagot naman ni Janina.

Nang tanungin naman si Ed kung ano ang nararamdaman o nakikita niya sa loob ng Family Feud studio ay ito ang kaniyang naging sagot, “Malinaw na malinaw na nakikita ko, ang Family Feud, magtatagal pa 'yan.”

Samantala, matatandaan naman na matapos ang mahigit labing limang taon, muling pinasok ni Janina ang beauty pageantry nang sumali siya sa Mrs. Face of Tourism 2023 kamakailan.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KUMUSTAHIN ANG BUHAY NGAYON NI JANINA SAN MIGUEL SA GALLERY NA ITO: