
Nagbahagi ng nakakatawang kuwento si Janine Gutierrez tungkol sa pang-iiwan.
Sa kanyang Twitter account, sinimulan ni Janine ang kanyang kuwento gamit ang isang babala.
Aniya, "BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko."
BABALA: Lahat talaga nang-iiwan. I went to my car to put my phone inside & get my wallet. Closed the door and walked to the atm across the street. Pagbalik ko wala na kotse ko, iniwan na ko. Akala pala ni kuya nakasakay na ko. Umabot na po siyang Mandaluyong galing Makati ano po
-- 🌺JANINE (@janinegutierrez) February 26, 2020
Ayon kay Janine, ang taong nang-iwan sa kanya ay ang kanyang driver. Ang driver ay umabot sa Mandaluyong nang hindi namamalayan na wala si Janine sa kotse.
Dugtong pa ni Janine, kinailangan niya pa ang tulong ng kanyang ama na si Ramon Christopher para mabalikan siya ng kanyang driver.
Naki-text ako kay manong, hindi ko memorize num ni kuya kaya si Papa tinext ko. After maloka ni papa at natatawa, tinawagan niya si Kuya.
-- 🌺JANINE (@janinegutierrez) February 26, 2020
Papa: "Nasaan si Janine?"
Kuya JR: "Andito po."
Papa: "Wala diyan si Janine! 😂😂"
Kuya JR:"Hala wala nga po!!! Nasaan po siya???"
THE END
Natuwa naman ang netizens sa kuwento ni Janine.