What's Hot

Janine Gutierrez, nagsalita na tungkol sa isyung edited ang kanyang sexy calendar photo

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 9, 2017 4:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
2 boys trapped in Zamboanga City creek rescued
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Na-offend nga ba ang aktres sa issue? 

Matagal na ang isyu na ibinabato ng netizens kay Kapuso actress Janine Gutierrez tungkol sa 'di umano'y edited daw ang kanyang katawan sa sexy calendar photo para sa isang gas company.

 

So happy to share that I'm starting 2017 right with my new @petroncorporation family!!! ???? Feeling so lucky to be part of a brand I've always believed in and to always have the best people with me @bjpascual @mjbenitez @omar_ermita @markfamilara ???? Hope you get a copy of our calendar soon! PS make sure to always drive safe ;) #Petron

A photo posted by Janine ???????? (@janinegutierrez) on

 

WATCH: Janine Gutierrez's sexy calendar shoot for a gas company

Sa press conference ng Day Off na ginanap ngayong araw, February 9, nagbigay na ng reaksyon ang bagong host ng GMA Public Affairs show tungkol sa nasabing isyu.

Kuwento ni Janine, hindi raw siya na-offend sa mga nagsasabing edited ang kanyang photo. "Actually mas nakaka-flatter kasi akala nila fake. I guess I just try to be optimistic 'pag mga ganyan eh,  so natawa na lang ako," nakangiting sagot ng aktres.

Hindi na raw niya pinatulan ang bashers kaya naman nagulat daw siya nang biglang mag-post sa social media si BJ Pascual, ang kanyang photographer sa nasabing calendar shoot.

"Nakakatawa, si BJ kasi ang ginawa niya para matahimik 'yung mga nagtatanong, pinost niya 'yung raw photo. So nakakatawa lang kasi affected siya for me eh parang ako okay lang naman," natatawang pahayag ni Janine.

 

Photos courtesy of @bjpascual (IG)    

"LOL at those people saying @janinegutierrez's Petron calendar was photoshopped. Of course it was, hello, pinalitan nga ng background! Anyway, here's the raw shot! Thank you," saad ni BJ sa kanyang deleted Instagram post.

Pero kahit daw hindi ganoong affected si Janine sa isyu, nagpapasalamat pa rin siya dahil ipinagtanggol siya ng kanyang kaibigan.

Bukod sa pagiging bagong host ng Day Off, abangan din si Janine bilang bida ng upcoming GMA Afternoon Prime soap na Legally Blind kung saan makakasama niya sina Mikael Daez, Lauren Young, Marc Abaya at Rodjun Cruz.

MORE ON JANINE GUTIERREZ:

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date

'Legally Blind' star Janine Gutierrez, may planong sumali sa beauty pageants?

LOOK: Janine Gutierrez, nominated as Favorite Pinoy Star in 2017 Kids' Choice Awards