GMA Logo Janine Gutierrez
What's Hot

Janine Gutierrez on Babae at Baril: "Talagang malaman, malalim 'yung kwento"

By Marah Ruiz
Published August 18, 2020 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Natural gas discovered at Malampaya East 1 —Marcos
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Janine Gutierrez


Ipinagdasal daw ni Janine Gutierrez na maging bahagi ng pelikulang 'Babae at Baril.'

Ang pelikulang Babae at Baril mula sa direktor na si Rae Red at pinagbidahan ni Kapuso actress Janine Gutierrez ang napili bilang opening film ng 2020 New York Asian Film Festival.

Tampok dito si Janine bilang sales lady na makakaranas ng iba't ibang uri ng pang-aabuso. Makakapulot naman siya ng isang baril na maaaring bumago sa kanyang buhay.

Wala naman daw pag-aatubili si Janine na tanggapin ang role. Sa katunayan, ipinagdasal pa nga niya na maging bahagi ng pelikula.

"When I have hesitations towards a project, 'yung hesitation ko nanggagaling sa 'Kaya ko ba 'tong gawin nang mabuti?' All the more, I wanna do it," bahagi ni Janine sa isang online interview kasama ang piling miyembro ng media, kabilang ang GMANetwork.com.

"Mahirap [ang Babae at Baril] and siya 'yung tipong project na if I saw somebody else do it, sobrang maiingit ako. Sana ako na lang 'yun," dagdag pa daw niya.

Malaking bagay daw para sa kanya na napapanahon ang tema ng pelikula.

"'Yun 'yung parang deciding factor ko when it comes to a script or to a project--talagang malaman, malalim 'yung kwento. This one was specifically about conditions in the Philippines so I really wanted to do this," pahayag ni Janine.

Mahalaga sa kuwento ang baril na mapupulot ng kanyang karakter pero hindi na raw kinailangan ni Janine ng training sa paghawak o pagpapaputok nito.



"Kasi si Babae, ang kwento nga niya is napulot lang niya 'yung baril. So hindi talaga siya marunong. Wala talaga siyang alam. Direk actually preferred na kung ano lang 'yung knowledge mo bilang isang walang alam sa baril, dapat ganoon din 'yung makita," aniya.

Unang ipinalabas ang Babae at Baril noong October noong nakaraang taon bilang bahagi ng QCinema International Film Festival.

Nasungkit pa dito ni Janine ang Best Actress Award habang nakuha naman ng direktor nitong si Rae Red ang Best Director Award.

Noong Marso naman, naging bahagi ito ng Osaka Film Festival.