
Todo effort ang lead actress na si Janine Gutierrez bilang Celestina o Yna sa Dragon Lady.
Sa kaniyang Instagram Stories, ipinakita ni Janine ang kaniyang hectic schedule sa taping at paglagay ng kaniyang Dragon Lady prosthetics.
Mula sa magdamagang taping ay si Janine na minsan ang nahuhuling umuwi dahil sa paglagay at pagtanggal ng prosthetics niya. Aniya, gayunpaman, malaki pa rin ang pasasalamat ni Janine sa suporta ng kaniyang fans.
“Always the only one left with the tent boys. Thank you for today. Survived!”
Dagdag niya, “And then by the time you get all the leftover prosthetics off at home, you have an hour and a half to sleep.”
Panoorin si Janine Gutierrez sa Dragon Lady tuwing Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.
Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, tinakot si Lovely Abella