
Hindi napigilan ni Janine Gutierrez ang maluha nang makita niya si Rayver Cruz habang tinatapos ang kaniyang task sa Day Off.
Nang mabigyan si Janine ng task na gumawa ng kanin baboy ay biglang dumating to the rescue si Rayver, na ikinagulat naman ni Janine.
Sabi ni Rayver sa kaniyang rumored girlfriend, “Naiiyak ka? Good job. Nandito ako ngayon para tulungan ka.”
Pabiro namang sagot ni Janine, “Magtrabaho ka ngayon, welcome to GMA!”
Sabi naman ni Rayver, “Nag-ready din ako kasi lagi ko naman siya pinapanood sa Day Off. Alam ko naman kung paano 'yung mga tasks so hinanda ko naman rin naman yung sarili ko.”
WATCH: Rayver Cruz at Janine Gutierrez, ano ang real relationship status?
Kumusta kaya ang paghahanap ng dalawa ng kanin baboy? Panoorin dito: