Tinataguriang “It Girl” at “Fashion Muse” si Janine dahil sa pagpo-pose niya sa ilang fashion magazines kaya naman marami ang nakakapansin na sa ganda at poise ng dalaga, maaari itong sumali at manalo sa beauty contests.
Noong Independence Day sa MEGA Pinoy Pride Ball, naging fashion icon naman ang dating ng actress, na nakasuot ng pink gown na gawa ni Vania Romoff at kasama din niya ang kanyang date at real-life boyfriend na si Elmo Magalona.
Nang nakapanayam ng 24 Oras Weekend ang young actress, hindi na maiwasang itanong sa kanya kung may plano ba siyang sumabak sa beauty pageants at sundan ang yapak ni Megan Young sa pagsali nito sa Miss World.
Diretsahang sinagot ito ng Kapuso actress, “It’s flattering when I get asked about it, but I really don’t have any plans of joining any beauty pageant. Gusto ko talagang mag-focus sa pagiging artista. Ang namimiss ko talaga actually is taping.”