What's on TV

Janine Gutierrez, totoo na ang mga iyak sa 'Legally Blind' rape scene dahil sa takot kay Marc Abaya 

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2017 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, aminadong marami siyang nagawang pagkakamali sa buhay
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



"Super natakot ako kasi talagang sineryoso niya 'yung role." - Janine Gutierrez

 

 

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ikinuwento ng bida sa Legally Blind na si Janine Gutierrez ang kanyang experience sa rape scene kasama ang aktor na si Marc Abaya.

WATCH: Unang silip sa rape scene sa 'Legally Blind' kung saan kinabahan ang aktres na si Janine Gutierrez

"Super natakot ako kasi talagang sineryoso niya 'yung role. Sobrang in-internalize niya 'yung gagawin niyang pangre-rape so talagang nakikita ko sa mata niya na seryoso siya. So talagang nakakatakot kasi feeling ko totoo talaga," ani Janine.

Kuwento pa niya, totoo na raw ang mga iyak niya sa eksena. "Nakakatakot 'yung feeling na hindi ka makalaban kahit na ayaw mo 'yung nangyayari sa 'yo. Hindi ka talaga makatakas, hindi ka talaga makagalaw," paliwanag niya.

Saludo si Janine sa pagiging professional at effective ni Marc sa pagganap bilang isang rapist. Pero ayon sa aktres, hindi raw naging madali para sa aktor na gampanan ang challenging role.

EXCLUSIVE: Marc Abaya on rape scene with Janine Gutierrez for 'Legally Blind:' "Mas kinabahan pa ako sa kanya"

"Nahiya siya sa 'kin dahil ako 'yung mabibiktima niya tapos 'yung eksena [ay] maselan. So ni-reassure ko na lang siya na okay lang ako, na huwag siyang mahiya sa 'kin kasi trabaho lang naman," saad ng Legally Blind star.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':   

Janine Gutierrez at Lauren Young na pareho ang ex-boyfriend, paano ang working relationship sa 'Legally Blind?'

Lauren Young on working with Janine Gutierrez in 'Legally Blind:' "Kabahan siya [sa 'kin]"

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date