
Nilinaw ni Janine Tugonon ang issue sa kaniya noon na ipinagpalit niya raw ang kaniyang ex-boyfriend sa isang international band vocalist.
Sinagot ito ng Miss Universe 2012 first-runner-up sa Sarap, 'Di Ba? noong June 15 nang siya ang naupo sa Trip to the Hotseat.
PHOTO SOURCE: @tugononjanine
Ayon kay Janine, "Let me correct it first. Hindi ko naman po ipinagpalit like nakipag-break ako tapos because of the international..."
Tanong ng host na si Carmina Villarroel kay Janine, "Sino ba ito?"
"Huwag na," ang sagot ni Janine.
Nilinaw ni Janine na wala naman silang naging relasyon ng international band vocalist.
"Wala rin namang nangyaring relationship with that. It's all just... there's no relationship nothing so serious, nothing deep with that international..."
Inamin ni Janine na bago pa sila maghiwalay ng kaniyang ex-boyfriend noon ay may problema na talaga sila.
"Naghiwalay kami. May mga problems na talaga prior to that."
Sinagot din ni Janine na nasaktan siya dahil itong issue na ito ang tumatak sa mga tao.
"I wouldn't say nasaktan ako dahil doon, dahil sa reason na 'yun. I would say na-hurt ako kasi parang 'yun na lang 'yung na-remember ng a lot of people about me. Parang wrong, mistake, interview that I did.
Dugtong pa ni Janine, "Parang they won't remember you as what you've accomplished. Let's say Miss Universe first runner-up. They would remember the wrong thing that you did. Kasi I really messed up in the interview I would say that."
Paglilinaw ni Janine na natuto siya sa nangyaring ito.
"I was so tired, I messed up the answer, I messed up everything. Parang' yun na lang natandaan nila. Natuto naman na ako after."
Panoorin ang sagot ni Janine rito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG PAGBISITA NI JANINE TUGONON AT ARIELLA ARIDA SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA: