GMA Logo janna dominguez
Source: johnfeir17 on IG
What's on TV

Janna Dominguez excites fans on returns to 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published February 14, 2024 11:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

janna dominguez


Welcome back, Maria!

May nagbabalik sa Manaloto mansion!

Ready na uli maghatid ng saya linggo-linggo ang comedienne na si Janna Dominguez, dahil balik-taping na uli ito sa hit sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Ipinasilip ng Kapuso comedian na si John Feir, na gumaganap na Patrick sa sitcom, ang ilang kuha ni Janna sa shooting ng award-winning comedy program.

Umani ang mga naturang larawan ng positive feedback mula sa mga fans at marami ang natutuwa na mapapanood na uli nila soon si Maria.

Source: Pepito Manaloto Facebook

Noong Oktubre 2023, isinilang ni Janna ang baby boy niya na si Leon. Nunit sa kasamaang palad, kasabay nito ang pagpanaw ng kanyang stepdaughter na si Yzabel Ablan, na anak ng kanyang partner na si Mickey Ablan.

RELATED CONTENT: THE FAMILY OF JANNA DOMINGUEZ