GMA Logo Janna Dominguez and daughter Yzabel
Photo by: Janna Dominguez
Celebrity Life

Janna Dominguez, ibinahagi ang dahilan ng pagkamatay ng anak na si Yzabel

By Aimee Anoc
Published October 9, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Multiple injuries at Sydney’s Bondi Beach after shooting, 2 in custody
Nadine Samonte undergoes geneplant cancer screen test
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Janna Dominguez and daughter Yzabel


Janna Dominguez on daughter Yzabel's cause of death: "Sa sobrang ayaw n'ya nakakaabala ng ibang tao hindi n'ya sinabi sa [amin] mga nararamdaman n'ya."

Ngayong Lunes (October 9), ibinahagi ni Janna Dominguez ang dahilan ng biglaang pagkamatay ng anak na si Yzabel.

Sa Instagram post, ikinuwento ni Janna ang nangyari kay Yzabel, na pumanaw noong Sabado, October 7 sa edad na 20.

"For those who are asking, our daughter passed away because of sudden heart failure and lung infection.

"Sa sobrang ayaw n'ya nakakaabala ng ibang tao hindi n'ya sinabi sa [amin] mga nararamdaman n'ya. Nagpa-check up s'ya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namin [okay] na. Then bigla [na] lang ganon."

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)

Ayon kay Janna, nasa kanyang condo sa Manila si Yzabel nang bigla na lamang itong nahirapang huminga at kasama niya ng mga oras na iyon ang kanyang Yaya Ate Lyn.

"Ate Lyn called us kaya [dumiretso] na kami agad ng Manila. Pero wala after multiple attempts to revive her, wala na talaga. God called her back home na. We love you, our Chabelits so much," sulat ni Janna.

Nakaburol si Yzabel sa La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga mula October 8 hanggang October 12. "We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit. Knowing Yza it will mean a lot to her," pagbabahagi ni Janna.

Nagpaabot ng pakikiramay ang ilang celebrities at netizens sa pamilya ni Janna. Basahin sa gallery na ito: