
Bilang mga GMA artists noon, isa sa mga nakatrabaho ni Soul Diva Jaya ay si Philippines' King of Soul Janno Gibbs. Sa katunayan, may ilang awitin pa nga na nag-duet sila katulad na lang ng "Ikaw Lamang" at "Kung Kailangan Mo Ako." Ngunit ayon sa singer, sobrang strikto noon ng kaniyang kaibigan at ka-duet sa kanilang mga awitin.
Sa pagbisita ni Jaya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, September 9, binalikan ni King of Talk Boy Abunda kung gaano kagaling na mang-aawit si Janno. Sinang-ayunan naman ito ni Jaya, at sinabing suwerte siya at nakasama siya ng singer-actor sa ilang mga projects.
Ngunit kasabay ng pagiging magaling na mang-aawit, striktong producer din umano si Janno.
Pagbabahagi ni Jaya, “Para po malaman n'yo gaano kastrikto si Janno as a producer, 'yung 'Ikaw Lamang,' note per note, turo niya at 'pag hindi ko nagawa 'yun, take again.”
Ayon pa sa Soul Diva, ang pagiging strikto ng kaniyang ka-duet noon sa kanilang awit ay dahil may gusto itong sariling tunog na marinig. Kaya naman, bawat mali niya ay pinapaulit ni Janno hanggang makuha niya ang hinahanap ng singer-songwriter.
“Very strict but once you get what he wants at nag-perform na kayo live, 'yun na 'yun,” sabi ni Jaya.
RELATED CONTENT: KILALANIN ANG ILAN SA MGA POWERHOUSE KAPUSO SINGERS SA GALLERY NA ITO:
Bukod kay Janno, ilan pa sa mga nakasama noon ni Jaya sa dating Sunday noontime show ng GMA na SOP ay sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, at Lani Misalucha. Pagbabahagi pa ni Jaya ay nakasama rin nila noon si K Brosas o Kakai, bago ito umalis ng naturang programa.
Saad ni Jaya, na-pressure siya noon makasama ang mga batikang singer sa entablado, at kinuwestyon pa kung tama ba na nandoon siya. Ngunit ayon sa singer, naging learning process din sa kaniya ang makasama sila Janno, Ogie, Regine at Lani sa pagtatanghal.
“I would watch Regine, how she hits her notes, Lani, how she - basta lahat, even the male singers, I paid attention to what they were doing and saying, 'Why?' Kasi hindi lang entablado ang concern ko, 'yung after na nakatapat ang mga camera. Gaano ba sila kababait? How true are they as a friend?” sabi ni Jaya.
Ito rin umano ang dahilan kung bakit nanatili siyang isang kaibigan sa mga artist na nakasama niya, at maging sa makeup artists, writers, EPs, at iba pang nakakasama nila sa production.
Panoorin ang panayam kay Jaya dito: