GMA Logo Janno Gibbs
Source: jannolategibbs/IG
What's on TV

Janno Gibbs, inamin ang dahilan ng pagiging 'notoriously late'

By Kristian Eric Javier
Published May 3, 2024 8:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Janno Gibbs


Aminado ang singer at actor na si Janno Gibbs na notorious siya sa pagiging late kaya naman, ito na rin ang ginawa niyang Instagram handle. Pero nagbago na raw siya ngayon at ikinuwento kung anong totoong dahilan kung bakit nga ba siya laging late noon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, May 3, tinanong ng host na si Boy Abunda kung bakit 'jannolategibbs' ang naging Instagram handle ng aktor/singer. Ayon kay Janno Gibbs, dahil kilala na rin naman siya sa pagiging late ay sinakyan na lang niya ito “just for fun, for a laugh.”

Ngunit aminado ang aktor na dahil din dito ay nagkaroon na ng negative effect ito sa kaniyang trabaho.

“It was affecting my job na 'Na'ko ayoko nang kunin 'yan, nale-late 'yan,' e hindi nako nale-late ever since I entered Viva,” ani Janno.

Aminado naman ang aktor na “a little difficult” siyang i-handle noon, ngunit nilinaw na nagbago na siya. Sa katunayan ay gusto na nga niyang palitan ang kaniyang IG handle, ngunit hindi siya pinapayagan ng social media platform.

“Parang may sinasabi na no, you have too much followers na, parang ganun. But I want to change it,” aniya.

Pagbabahagi niya, ang nagpabago sa kaniya pagdating sa pagiging late ay ang kagustuhan niyang mag-improve ang sarili.

“Sabi ko, 'this is my nth chance, I'm gonna do it right, I have to fix myself,'” sabi niya.

Nilinaw rin ni Janno hindi naman siya “sobrang late” at sinabing meron pang ibang aktor na mas malala ang pagiging late. Nilinaw rin ni Janno na ang dahilan ng kaniyang pagiging late ay ang kaniyang Insomnia.

Ang insomnia ay isang sleep disorder kung saan hirap makatulog ang mga taong meron nito. A

“I've been to a lot of doctors, 'Fix your sleeping habits, I'll give you this medicine,' wala pang nagsasabi na 'there's an operation.' I'd gladly do that to fix it,” sabi niya.

RELATED: How to beat insomnia - Tips to sleep better at night