GMA Logo janno gibbs
What's Hot

Janno Gibbs, mapapalibutan ng sexy actresses sa bagong show

By Nherz Almo
Published January 26, 2025 4:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding

Article Inside Page


Showbiz News

janno gibbs


Okay lang kaya sa asawa ni Janno Gibbs na puro sexy girls ang kasama niya sa bagong project? Alamin dito:

Nagbabalik-gag show ang comedy actor na si Janno Gibbs sa pamamagitan ng bagong online program na Wow Mani.

Sa panahon ngayon, aminado si Janno na marami nang dapat i-consider pagdating sa pagpapatawa. Ngunit aniya, hindi naman dapat ito maging hadlang para magbigay ng saya sa mga manonood.

Katuwiran niya, “Hindi ko na gusto yung ibang limitations na binibigay ng society. But of course, yung mga terms na hindi na dapat ginagamit, we follow that.”

Nakapanayam ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media si Janno at ang buong cast ng Wow Mani sa isang press conference kamakailan.

Kaugnay nito, inamin din niyang mas mahirap na ngayon ang gumagawa ng comedy project dahil, aniya, “One, nag-iba na ang taste ng mga tao, also because of Netflix, medyo tumaas na yung antas ng panonood ng viewers. And they've seen a lot of comedies, so mag-a-adjust ka nang konti, mag-a-update ka ng sarili mo.

“But for me, comedy is comfort. Funny is funny kahit anumang joke pa yan, kapag idineliver mo nang bago, patok pa rin 'yan.”

Gayunman, mainam daw na sa streaming platform mapapanood ang kanilang programa, na sexy ang tema, dahil mas kaunti ang limitasyon dito kumpara sa telebisyon.

Ani Janno, “This is something na hindi kayang gawin ng ibang gag shows na ginawa ko. Kasi yung ibang gag shows, may limitations, dahil nga sa public TV. Since sa streaming kami, wala kaming limitations, sa physical, sa language. Wala kaming limitations, one hundred percent kalokohan 'to.

“Ako naman, kumbaga, ako yung parang host nila. I have a portion na game show and Indiana Jones, but the rest is them.”

Dagdag pa niya, bago rin ito para sa kanyang mga makakasama, na kilalang sexy actresses.

“This is a refreshing show, sabi nga ni Boss Vic, for Vivamax. Kasi, alam n'yo naman ang napapanood [dito], sila, serious love scenes, drama. I think, I can speak for all the girls, refreshing sa kanila 'to na light naman. Sexy pa rin but it's all in girl fun.”

Bago ang Wow Mani, naging bahagi rin si Janno ng dating gag show sa GMA, ang Nuts Entertainment. Tingnan dito:

Dahil puro sexy girls ang makakasama niya sa show, ang naging tuloy ng press, okay lang kaya ito sa asawa niyang si Bing Loyzaga?

Natatawang sagot ni Janno, “Sanay na yun. Sanay na siya.”

Sabay tanong niya sa kanyang mga kasama, “Mayroon ba akong tine-text sa inyo? Raise your hand.”

Nang walang nagtaas ng kamay, pabiro niyang hirit, “Wala pa.”

janno gibbs and bing loyzaga

Image Source: jannolategibbs (Instagram)

Pagkatapos ay muling ipinaliwanag ni Janno na naiintindihan ni Bing na ang kanyang pakikitungo sa kanyang co-stars ay para sa trabaho lamang.

“Alam naman niya na this is work. Like for all of us, trabaho ito. Gusto kong malaman ng mga tao na itong mga girls na 'to, they bare their bodies for work. But in real life, napakamababait na bata nito, malayo from what they show. Katulad ko, I'm a comedian on TV, pero sa personal, hindi naman ako talaga yung maingay, yung ganun. I'm mostly serious,” pagtatapos niya.