GMA Logo Janus Del Prado, Jayson Gainza
PHOTO COURTESY: TBATS
What's on TV

Janus Del Prado, Jayson Gainza share their experiences on working with John Lloyd Cruz

By Dianne Mariano
Published December 14, 2022 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Janus Del Prado, Jayson Gainza


Nakatrabaho na nina actor-comedians Janus Del Prado at Jayson Gainza ang multi-awarded star na si John Lloyd Cruz sa iba't ibang proyekto.

Binalikan nina Kapuso star Jayson Gainza at actor-comedian Janus Del Prado ang kanilang mga karanasan nang makatrabaho ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Sumalang ang dalawang aktor sa “May Pa-Presscon” segment ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (December 11).

Ayon kay Janus, una niyang nakatrabaho ang multi-awarded TV and movie actor sa GMA Network.

Kuwento niya, “Fun fact. Una kaming nagkatrabaho ni Lloydie sa Channel 7. I think Kakabakaba ata 'yung show. Si Lloydie, Danica Sotto, Danilo Barrios, ako.”

JAYSON AND JANUS

PHOTO COURTESY: TBATS

Nang kumustahin ni TBATS host Boobay ang experience ng aktor noong una nitong nakatrabaho si John Lloyd, sagot ni Janus, “Okay naman, gano'n pa rin siya. Tahimik, man of few words. Tapos after no'n, 'yung isang show pa sa [Channel] 2 tapos One More Chance na.”

Para naman kay Jayson, hindi siya nakararamdam ng pressure sa tuwing katrabaho ang tanyag na aktor dahil pantay-pantay ang turing nito sa lahat ng kanyang nakakatrabaho.

“'Yun ang maganda kay John Lloyd. Kaya kapag alam kong may project lagi kay John Lloyd, talagang go ako. Masaya ako na kasama si John Lloyd,” aniya.

Matatandaan na naging bahagi sina Jayson at Janus sa top-rating Kapuso sitcom ni John Lloyd na Happy ToGetHer.

Bukod dito, sumabak ang dalawang aktor sa segment na “Guilty or Not Guilty,” kung saan iba't ibang nakaiintrigang mga tanong ang kanilang hinarap.

Isa na rito ay kung mayroon na ba silang nag-ghosting sa nililigawan o dyowa. Ayon kina Jayson at Janus, sila ay “Not Guilty.”

“S'yempre kapag ayaw mo na, sabihin mo 'di ba. Huwag mong paasahin,” ani Janus.

Tinanong naman ni Boobay kung ano ang kanilang mensahe para sa mga nang-go-ghost.

Alam ko na kung saan papunta 'to e. Pangalanan na ba natin? Joke lang,” biro ni Janus. Dugtong niya, “Kung ayaw n'yo na, tapusin niyo nang maayos.”


Matapos ito, nagpagalingan din ang dalawang opposing teams nina Jayson at Janus sa pagpapatawa.

Nag-joke naman si Jennie Gabriel ngunit inalisan siya ng lahat ng tao sa stage. Ano'ng joke kaya ang ibinato nito? Alamin sa video.

Samantala, umani ng 3.8 percent ratings ang naturang episode ng TBATS, ayon sa NUTAM People Ratings.


Para sa nonstop kwentuhan at tawanan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Mapapanood din ang programa online via livestream sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng YouLOL.


SAMANTALA, ALAMIN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI JAYSON GAINZA SA GALLERY NA ITO.