
Buong linggo pinag-usapan ang kontrobersya na kinasasangkutan nina Maris Racal at ex-couple na sina Anthony Jennings at Jamela Villanueva.
Nagulat ang lahat nang ikalat ni Jamela ang screenshots ng private conversations nina Anthony at Maris na pruweba na “more than friends” ang namamagitan sa dalawa.
Sa isang video na in-upload sa Facebook account ng Star Magic, humingi ng tawad si Anthony kina Maris at ex-girlfriend niya.
"Sa lahat ho ng mga nangyari nung nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko,"
"Especially po si Maris 'tsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae and sa lahat po ng mga nadamay ko rin po."
Samantala, naunang nagbigay ng pahayag si Maris Racal upang sagutin ang isyu na ipinupukol sa kaniya.
Dito, umamin si Maris Racal na nahulog ang loob niya sa kaniyang ka-love team na si Anthony Jennings.
Humingi rin si Maris Racal ng tawad sa publiko at sa kaniyang mga taga-suporta.
"I am sorry that you got to see the very intimate side of me. Ganoon talaga ako kapag nagbigay ng pagmamahal," sabi ni Maris.
Pagpapatuloy ng Kapamilya talent, "I am truly sorry to those people who supported me for 10 years. For 10 years, alam nilang lahat na ginapang ko yung career ko... Pinaghirapan ko lahat sa tulong nila."
Nagbigay ng opinyon ang former Black Rider star na si Janus del Prado sa naging apology ni Anthony.
Post ni Janus sa Threads na bagamat hindi tama ang ginawa ng aktor, naramdaman naman niya na inako nito ang kaniyang kasalanan.
Pahayag ni Janus, “Yung mukha mo nung iniwan ka niya sa ere at itinapon sa ilalim ng bus nung nagkabukingan na.”
“Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba.”
“Di ginamit yung mga gasgas na palusot na 'Pasensya na tao lang kagaya niyo' at 'Di ako perpekto kasi walang taong perpekto.'"
“In short, he held himself accountable sa mga ginawa niya. Di siya nagpavictim to avoid accountability. Sana all.”
Source: Anthony Jennings Threads
RELATED CONTENT: Celebrities and personalities react to Maris Racal, Anthony Jenning's
alleged cheating issue