GMA Logo jao mapa
Courtesy: Kay Susan Tayo Vlogs, therealrosannaroces IG
What's Hot

Jao Mapa, inaming naging karelasyon noon si Rosanna Roces

By EJ Chua
Published September 12, 2026 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Harry Roque's asylum request denied, says DILG's Remulla
Pickleball world No. 1 Anna Leigh Waters named global ambassador for local wellness brand
Papa Dudut, taos-puso ang pasasalamat sa mataas na ratings ng pilot episode ng 'Barangay Love Stories'

Article Inside Page


Showbiz News

jao mapa


Nagulat si Susan Enriquez nang ibahagi ni Jao Mapa na naging karelasyon niya noon ang aktres na si Rosanna Roces.

Binalikan ni Jao Mapa ang kanyang karanasan sa kauna-unahan niyang mature role bilang isang aktor.

Ibinahagi ito ni Jao sa guest appearance niya sa Kay Susan Tayo Vlogs, kung saan nakipagkuwentuhan siya sa host na si Susan Enriquez.

Tila nagulat si Susan nang sagutin ni Jao ang tanong tungkol sa mga naging karelasyon niya noon.

Ayon kay Jao, isa sa mga naging karelasyon niya sa showbiz ay ang aktres at dati niyang co-star sa pelikulang Matrikula na si Rosanna Roces.

“After doing the movie [Matrikula], siguro months, months lang, two, three [months],” paliwanag niya nang tanungin kung gaano katagal ang kanilang relasyon.

Ibinahagi rin ng aktor na 18 years old siya nang gawin niya ang pelikula kasama si Rosanna.

Sa kalagitnaan ng interview, inilarawan din ni Jao si Rosanna bilang isang aktres at katrabaho na talagang hinahangaan niya.

Sabi niya, “Rosanna Roces, when you worked with her talagang ikaw pa ang matatakot eh. Hindi ko alam paano gumawa ng mga ganitong pelikula, siyempre, bago sa akin, and knowing Osang… walang anu-ano eh kung hubad, hubad, lahat.”

Nakilala si Jao Mapa noong '90s bilang isang matinee idol, ngunit kalaunan ay nagdesisyon siyang iwan muna ang mundo ng showbiz upang pagtuunan ng pansin ang kanyang first love—ang pagpipinta.

Courtesy: GMA Public Affairs

Related gallery: Kilalanin ang mga heartthrob mula sa ilang '90s youth-oriented shows sa gallery sa ibaba.