
Sa kumustahan na naganap sa Just In nitong February 24 ay nakausap ni Vaness Del Moral ang dating aktor na si Jao Mapa.
Sa pag-guest na ito ni Jao ay ikinuwento niya ang kanilang pinagdaanan bilang pamilya sa gitna ng pandemic.
Ayon kay Jao, nagpapasalamat siyang nasa mabuti silang kalagayan ng kanyang asawa na si Cecille at tatlong anak. Si Jao ay may dalawang anak na lalaki na sina Ben at Caleb, at ang babae niyang anak na si Stacey.
"My family we're doing fine; we're doing great despite this pandemic.
"We're following the protocols and adjusting to the new normal. We're pretty much always at home. We've never been this close in our entire lives.
Photo source: @jao_mapa
Dugtong pa ng dating aktor, bukod sa pagiging malapit ng kanilang pamilya, naging malapit rin siya sa Panginoon.
"This is one of the good things that came out from this pandemic. Ngayon lang ako naging mas malapit sa Panginoon natin. Lahat tayo naHis blessings and for safety this pandemic.
Kuwento pa ni Jao, isang blessing rin para sa kanya ang ma-interview ng Just In.
"I'm pretty much blessed despite the pandemic. This is one of the blessings that I have. Being interviewed in this show."
Sa ngayon ay nananatili si Jao sa Quezon City at bumibisita sa kanyang pamilya sa Antipolo kapag weekends.
Sa puntong ito, ibinahagi ni Jao ang hindi inaasahang pagkakataon na magkahiwalay sila ng kanyang mga anak.
Ayon kay Jao, nang magka-lockdown ay naiwan ang dalawang anak niyang lalaki sa Antipolo.
"There was a time though, when I was here in Quezon City when we had a lockdown, naiwan ko 'yung mga anak ko sa Antipolo. My two boys, I left them with my folks, my mom and dad. E nagka-lockdown.
"Siguro mga a month or two they were there. They were stuck there. So nagkahiwalay kami. I only have my mag-ina here. I only have my baby daughter, her mom, my wife is here. Tatlo lang kami."
Aminado si Jao na nahirapan siya sa nangyari pero nakabuti rin ito dahil may nakasama ang kanyang mga magulang nang magka-lockdown.
"My two boys were in Antipolo so it's kind of hard on my part because the family was in different places. But it was a help also to my parents kasi sila lang dalawa doon sa Antipolo. They got company with my two boys.
"May nag-aalaga sa mga magulang ko, hindi sa kanila. [It was] the other way around."
Panoorin ang kabuuang interview ni Jao kasama si Vaness Del Moral sa Just In.
Bukod kay Jao, kilalanin pa ang ilang artistang iniwan ang showbiz para sa ibang trabaho sa gallery na ito:
Just In: Jao Mapa, in-demand sa showbiz noon! | Episode 6
Just In: Gio Alvarez shares an update about his family | Episode 5