
Sinubok ang determinasyon nina Jasmine Curtis-Smith at Calista Denise sa intense rehearsal para sa kanilang contemporary dance performance sa Stars on the Floor 2026.
Sa isang behind the scenes interview habang nasa rehearsal, ibinahagi nina Jasmine at Denise ang kanilang routine para sa contemporary dance. Nabanggit din nila na wala silang background sa contemporary dance, kaya talagang naging malaking challenge sa kanila ang routine.
“Pero, our hips are opening. We're doing a lot of [stretch],” kuwento ni Jasmine.
Ibinahagi naman ng P-pop dance star na ang buong katawan niya, lalo na ang kanyang mga kamay at pulsuhan, ay nagkaroon ng pangangalay.
“So, ano talaga siya, physically and levels wise, demanding siya,” pahayag ni Jasmine.
Dagdag pa niya, “I mean, all dances, physically demanding siya pero levels wise, ito talaga, from floor to mid to up kami ni Denise.”
Para kay Denise, ibinigay nila ang lahat ng makakaya para sa piyesa na ito at nagamit ang lahat ng kanilang lakas.
“'Yung utak, 'yung puso, lahat na. Lahat na, nandito sa piece na 'to,” aniya.
Ibinahagi rin ni Jasmine na nagkaroon na rin siya ng paltos dahil madalas silang nakapaa sa bawat rehearsal.
Itinanghal na 3rd top dance star duo sina Jasmine at Denise, kasama sina Paul Salas at Alamat Jao, dahil sa tie na scoring ng dance authorities.
Tutukan pa ang mas nag-iinit na performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026: Meet the celebrity dance stars