
Malapit nang muling mag-taping ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith para sa award-winning series na Descendants of the Sun (Philippine Adaptation).
Gaya ng ibang mga sasabak nang muli sa trabaho, pinalalakas ni Jasmine ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain nang wasto at regular na pag-e-exercise.
Hindi naman itinanggi ng aktres na nangangamba rin sila sa kanilang kaligtasan dahil sa banta ng COVID-19 ngunit iginiit naman na magiging okay lang ang lahat kung iingatang mabuti ang sarili.
“If you take care of your health, you take your vitamins, you exercise regularly, you really are present sa pangangalaga sa sarili mo…also do the safety precautions, you should be fine.
“You should just be wary of people around you. You should be extra cautious pa rin of that,” aniya.
Bukod sa nami-miss na niya ang pag-arte, naging malaking bagay umano ang parangal na natanggap ng DOTS PH sa kanyang pananabik na mag-taping ulit.
Nagwagi kasi ang DOTS PH ng Most Popular Foreign Drama of the Year award sa 15th Seoul International Drama Awards.
“Sobrang laking satisfaction for everyone. Our utmost gratitude talaga to the Seoul International Drama Awards kasi it feels good for someone's adaptation to their culture of a story so well-received before na matanggap din nila and mapanalunan pa natin. It's an amazing thing to happen,” sabi ni Jasmine.
Samantala, nitong nakaraang mga buwan ay hindi lamang fitness ang niya pinagtuunan ng pansin dahil gumawa rin siya ng short film na patungkol sa long-distance relationship love story ngayong pandemic.
May pamagat itong Until It's Safe at apat na tao lang umano ang involve sa produksyon nito.
“Ginawa naming set 'yung bahay ko. 'Yung kwarto ko ini-transform namin mula wardrobe, mula set, kami lang dalawa. An experiment ba,” dagdag pa niya.