GMA Logo
What's Hot

Jasmine Curtis-Smith, happy sa "collaborative" director ng 'Cara X Jagger'

By Marah Ruiz
Published October 25, 2019 5:10 PM PHT
Updated December 23, 2019 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Matcha: benefits, risks, and everyday consumption, according to nutritionists
Woman nabbed for allegedly trying to sneak shabu into CDO jail
Daig Kayo Ng Lola: Magbago ka na, Pippa!

Article Inside Page


Showbiz News



Jasmine Curtis on 'Cara X Jagger' director Ice Idanan: "She's the type who wants to make you feel included in the process..." Read more:

Inilarawan ni Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith bilang "very collaborative" si Cara X Jagger director Ice Idanan.

Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith


Naging bukas daw kasi ito sa mga suggestion ng cast noong shinu-shoot nila ang pelikula.

"That's what she wants talaga on the set--marinig niya 'yung thoughts din namin. Minsan, bago siya mag-explain ng atake niya, she wants to hear kung paano namin na-register sa sarili namin 'yung eksena," pahayag ni Jasmine sa press conference ng Cara X Jagger.

Minsan pa nga daw, nabibigyan sila ng pagkakataon na i-shoot ng dalawang magkaibang paraan ang mga eksena.

"We start to talk about it. We'll do one take--siguro 'yung atake ko. And then the second, we'll do hers para we can see which works best. Ire-review namin afterwards sabay sabay," aniya.

Isa raw ito sa naging susi kung bakit sa tingin niya, naging maganda ang kanilang movie.

"She's the type who wants to make you feel included in the process and to make you feel na though she's the director it's teamwork. That's what makes the dream work," paliwanag niya.

Si Jasmine ang gaganap sa karakter na si Cara, isang babaeng may kundisyong hyperthymesia kaya naaalala niya ang halos lahat sa kanyang buhay.

Makakatambal niya sa pelikula si Ruru Madrid bilang si Jagger, binatang nawalan ng mga alalaala dahil sa isang aksidente.

Sa pakiusap ng pamilya ng Jagger, babalik si Cara sa buhay ng dating boyfriend para tulungan itong maibalik ang kanyang mga alaala.

Bukod kina Jasmine at Ruru, tampok din sa pelikula sina Michelle Dee, Sophie Albert, Gabby Padilla, Kenneth Medrano, Dante Rivero, Dino Pastrano at Miko Raval.

Mapapanood ang Cara X Jagger simula November 6 sa mga sinehan nationwide.